Add parallel Print Page Options

14 Tungkol (A) din sa mga taong ito ang ipinahayag ni Enoc, ang ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel, 15 upang hatulan ang lahat, at parusahan ang lahat ng hindi maka-Diyos dahil sa kanilang masasamang gawa, at sa lahat ng paglapastangan sa kanya ng mga makasalanan.” 16 Ang mga taong ito ay mareklamo at mahilig mamintas. Sinusunod nila ang kanilang pagnanasa, at mayayabang magsalita at sanay pumuri nang pakunwari makuha lang ang sariling kagustuhan.

Read full chapter